ART!*
  1. text

    Anonymous asked: <p>Kuya, I have this problem of not being accurate when it comes to drawing portraits. Sometimes, masyadong malaki yung mata tapos minsan, hindi ko kuha yung shape ng mukha. May maibibigay ka po bang tips for me? I just want to give a portrait sa aking teacher without messing her face up.</p>

    Tgnan mo yun anatomy pages ko. Malaki tulong nun mga nandun.

    Anyway, sige sinisipag ako ngayon e. Explain ko ‘tong sunod kong speed-paint practice, si Billie Joe Armstrong ng GreenDay \m/, :

    Nakita mo yang mga linyang yan? Para sa’kin, yan ang essential once na gumagawa ka ng portraits. Kasi sa mga linyang yan makukuha mo yun tamang proportions.

    1. Yun dalawang linya sa dulo ng mata, naka-project yun pababa sa jaw. Para yun makita mo kung san banda sa jaw tatama yun linya ng mata. 
    2. Kasama sa linya sa tear-duct ng mata, tumama din pababa yun ilong, diba? Hanggang dun sa baba. So yun, hindi lalagpas dun sa dalawang linya yun laki ng ilong nya.
    3. Yun dalawang linya sa bawat dulo ng bibig, para naman yun malaman kung hanggang san lang tatama yun bibig sa mata. In this case, hindi umabot sa iris yun linya ng bibig.
    4. Kung medyo naguguluhan ka, tandaan mo lang lagi na ISANG mata lang ang pagitan ng dalawang mata. (depends on the race/characteristics, etc.)
    5. ISANG MATA lang din yun size ng base ng ilong.
    6. KASING HABA ng kilay mo yun ilong mo.
    7. Isang mata lang rin ang haba ng ilong mo. This explains the diagonal lines dyan sa portrait ni Billie.

    Sana nakatulong ako/sana naintindihan mo. Pasensya na kung magulo ako mag-explain. :)

    Practice, practice rin tayo. Apir! :D

About



19-year old self-taught Mapuan BS Multimedia Arts illustrator highly-equipped with his stock knowledge in the history of art.

Open for commissions, collaborations, graphic ads, request for art prints and other art-related shenanigans (oh and, yes, that ain't for free, nigga.)
E-mail me at vincent.quilop@yahoo.com

Elsewhere:

__________________________________

PAGES:





____________________________________

ASK:


____________________________________
*all artworks and/or photos are by VinQuilop unless otherwise stated.

Search